
If senior citizens, midwives and LPG suppliers believe they should have seats in Congress, then all the more for electricity consumers. Not just one, or two, but possibly four seats.
Dahil kung ating hihimayin ang adbokasiya ng mga ibang party list, hindi maikukubling mas matindi at mas mabigat ang pangangailangan ng mga consumidores ng kuryente. Kuryente kasi yan. Hindi natin maipagkakaila na yan ay isang pangunahing pangangailangan o basic necessity ika nga.
Hindi po biro ang tungkulin ng kuryente sa araw araw nating pamumuhay. Alam nating nabubulabog and mundo pag walang kuryente dahil dito nga naman nakasalalay ang ilaw ng ating mga tahanan, pagtakbo ng negosyo at garantiya ng ating seguridad. Ang mga iyan ay hindi na po dapat pinagtatalunan.
That’s why there is a need to protect the interest of electricity consumers and electric coperatives. And it goes beyond switching the lights on when we go home or powering the machines to manufacture goods. There is a need to ensure power supply. There is a need to maintain the least cost electricity. There is a need to address developments in the power industry that tend to decimate or capitulate electric cooperatives and make them irrelevant.
Hindi maipagkakaila ang nagawa ng PHILRECA sa mga isyung nabanggit. Kasama ang APEC, ang PHILRECA ay ilang beses tumayo sa House of Representatives upang ipaglaban ang kapakanan ng mga electric cooperatives at punahin and mga polisiya na hindi makatarungan para sa kanila. Ang ingay na nagawa ng PHILRECA at APEC sa nakaraang tatlong taon ay hindi matatawaran.
Fact check and the party list was always there for the franchise renewal of ECs. Without a franchise, the ECs have no business doing distribution. Fact check and the party list had the balls to go against NGCP on VAT and other transmission charges. Without such assault, consumers will continue to suffer added pass through charges. Fact check and the party list was at the forefront of stonewalling attempts to grab the franchise areas of ECs by private capital. That’s a no no.
Simple lang po ang gusto kung tukuyin. Huwag tayong makuntento na tayo ay may ilaw. Dapat din nating iangat ang lebel ng ating pagkamulat. Ang PHILRECA ay nakakatulong sa atin. Ang adhikain ng pagkakaroon ng boses ng mga ECs sa Kongreso ay dapat lalong pagtibayin. At kung tayo ay binigyan ng saligang batas ng pagkakataon na makisalamuha, makipag debate at magpundar ng mga batas at polisya na magtatanggol sa ating kapakanan, ay huwag na nating palagpasin. PHILRECA ay ating dalhin.
Kung sa pamilya ninyo ay may limang boboto, sige, yung isa ay boboto sa party list na yun at yung isa naman ay para din sa party list na iba. Tatanawin naming utang na loob kung yung naiwang tatlo ay PHILRECA ang pipiliin.
No. 53 po yan sa balota.
Si Presly, gwapo pero suabe kung makipagdeal sa mga ibang kongresman. Si Sergio, matapang at agresibo. Nayayanig and mga ibang power industry stakeholders pag hawak niya ang mikropono.
But since PHILRECA has BENECO and the other Cordillera ECs as areas to represent, then PHILRECA is it.
Wala ng iba.
5/5/25
4 South Drive
Baguio City 2600